HIMNO 033 - OH HESUS NA KAIBIGAN

 

033 - OH HESUS NA KAIBIGAN

Oh Hesus kaibigang tapat Aliw sa dusa ko’t bagabag Ang buhay kong nawakawak Napabalik na kagyat Hesus, kaibigan kong tapat KORO: Hesus tapat kong kaibigan (banal na banal) Lunas ng aming kasalanan (handang tunay) Aliw sa nalulumbay Pastor ng naliligaw Hesus kong kagalinggalingan Ano pang kakailanganin Sa Dios Amang maawain Anak N'ya'y sugo sa atin Kaligtasa'y gayon din Hesus, kaibigang magaling Sasalungahin sanlibutan Bundok ng mga kasalanan Hindi ko katatakutan Nang walang alinlangan Hesus sa aki'y aalalay Kung ito’y ating iingatan Matatag na pakikilaban, Umasa kang ang tagumpay Ibibigay na tunay Ni Hesus, mabuting kaibigan

Members Church of God International - Himnario 2026

No comments:

Post a Comment