032 - HIBIK NG ALIPIN SA SILANGAN
(Awitin sa himig ng Himno # 60)
Kaming tupa sa silangan Na Iyong pinisan Ikaw Ama’y tinatawagan Kami ay tunghayan Lumalapit ng may awitan Kami'y 'Yong pakinggan Sa pagsamba'y sumasamo Nawa'y igawad Mo Aral na lunas ng Kordero Sumaparaiso Ang sala nami’y linisin Mo Hugasan ang puso Oh Dios Amang mahabagin, Alipi'y lingapin Dinggin Mo ang aming dalangin Luha ay pahirin Pagpapala't buhay na mithi Sana ay pakamtin Kung ang wakas ay sumapit Dito sa daigdig Nang kaming lahat sumalangit , Oh Dios ng Pagibig Sa piling Mo sa walang hanggan T'wina ay aawit
Members Church of God International - Himnario 2026
No comments:
Post a Comment