HIMNO 019 - LAKING SALA'Y HUHUGASAN

 

019 - LAKING SALA'Y HUHUGASAN

Laking sala'y huhugasan Hesus na Ilaw ng buhay Sa dugo Mo na lubhang mahal Sa tagilira'y nukal Ikaw Siyang punong ubas Kami'y mga sangang lahat Bato na saligang matatag Sa sala ay kalasag Sa kalbaryo ay nabuhos Dugo Mong banal, umagos Sa tagiliran Mo, Oh Hesus Sa sala nami'y tubos Umaasa kaming tanan Lilinisin kaming tunay Ng dugo Mo na madalisay Kaluluwa'y kikinang Hugas kami, hugas Hesus Sa sala nami'y tumubos Ngayon ay nagbabalik-loob Alipin Mong tinubos Ang budhi kong nahugasan Hesus ko'y Iyong ingatan Sa tuwina ay alalayan Hanggang sa kawakasan Hesus, hugas, hugasan Mo Ang madlang kasalanan ko Buong puso na laan ako Na sumunod sa Iyo

Members Church of God International - Himnario 2026

No comments:

Post a Comment