016 - KUNG BAGABAG HINDI NA MAKAYANAN
Kung ang bagabag hindi na makayanan Sa tindi ng salang lumilinlang sa buhay Alalahanin mo ang Dios na Maylalang Siya'y nakahandang ikaw ay tulungan KORO: Sumunod lamang, sumonod lamang Ang sinomang tao'y Kanyang lulunasan Sumunod lamang, sumunod lamang Si Hesus ay nakahanda sa pag-alalay Kung sa paglapit mo ay magtitiwala Umasa kang lubos tatanggap ng pala Ang may alinlangan ay sa pagkaaba Sasadlak ang buhay sa lahat ng sumpa Kung tatalikdan mo ang lahat ng layaw At kay Kristo Hesus, susunod kang tunay Lahat Niyang pangako'y maaasahan Dito at doon pa sa kabilang buhay
Members Church of God International - Himnario 2026
No comments:
Post a Comment