015 - KUNG SA KABUHAYA'Y NAGIGIYAGIS
Kung sa kabuhaya'y nagigiyagis Sa lahat ng araw lumiligalig Papagtagpuin puso mo at isip Alalahaning kaloob sa langit KORO Ang kasulatan ay basahin Utos ni Hesus, iyong sundin Sa buhay mo ay 'yong dalahin Pagpapala't biyaya'y alalahanin Kung 'di mo makaya't nabibigatan Sa tindi ng hirap at kalumbayan Alalahaning Dakilang Maylalang Kalungkutan mo'y dagling mapaparam Kung kaibigan mo'y nangasusuklam Itinakwil ka't kinapopootan Dahilan sa Iglesia ng Dios lamang Si Kristo Hesus, iyong kaibigan
Members Church of God International - Himnario 2026
No comments:
Post a Comment