HIMNO 011 - BUHAY NA DUNGIS-DUNGISAN

 

011 - BUHAY NA DUNGIS-DUNGISAN

Ngayo’y nagtipong sama-sama Umawit na maligaya Tayong dukhang hinirang Niya, Magparangal tuwina KORO: Buhay nati’y dungis-dungisan Itangis natin sa Dios, mahugasan Magsisi hanggang kamatayan Sala natin kalilimutan Sa pusong marupok iyukit Aral ng Dios na panlinis Taglayin hanggang sumalangit Lunas sa ‘ting ligalig Tungkulin ay h’wag bibitawan Magpahanggang kawakasan Kung tayo ay maratnang buhay, Wala ng kamatayan Doo’y wala na ang pagluha Hirap dito’y masagana Naparam ang madlang dalita Buhay doo’y payapa

Members Church of God International - Himnario 2026

No comments:

Post a Comment