005 - PAGPUPURI AY PAKINGGAN
Hesus kami’y patnubayan Sa aming pagpipisan Pagpupuri ay pakinggan Bihisan ng tagumpay KORO: Ang awa… isabog Awa Mo… Oh Hesus Sa Iyong mga lingkod Dinggin ang… pagluhog Ang aming… pagluhog Sa pangalan Mo, Hesus Iniaalay ko sa Iyo Lakas sampung buhay ko Nang lumasap ang puso ko Ng ligaya kay Kristo Kaya Ama’y h’wag tulutan Sa puso ko’y tumahan Tanang mga kasalanan Kundi si Hesus lamang Ang puso nami’y linisin Oh Amang mahabagin Ang awit nami’t dalangin Sana’y paging dapatin
Members Church of God International - Himnario 2026
No comments:
Post a Comment