004 - TAYO BA'Y LINGKOD NI HESUS?
Tayo ba’y lingkod ni Hesus Tayong lahat dumulog Magsisi’t magbalik-loob Upang tayo’y matubos KORO: Ikalumbay… Ikalumbay mo’t itangis Pagsisihang… Pagsisihang masakit Tanang sala… Tanang sala at ligalig Ng buhay… Ng buhay mong marungis Si Hesus Siyang nagdusa Dahil sa ating sala H’wag na muling gumawa pa Malumbay magsisi na Hayo na’t ating lisanin Salang nakapipigil Tawag N’ya’y tanggapin natin Upang tayo’y kupkupin
Members Church of God International - Himnario 2026
No comments:
Post a Comment